Ito ay ilan sa mga magagandang Lugar sa Pilipinas. Una na rito ang:
BORACAY:

Ang Boracay ay ang pinakasikat na isla sa Pilipinas. Ito ay dinarayo ng madaming mga turista dahil sa kagandahan nitong taglay. Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong ‘White Beach’ na ito ang pinakamagandang baybayin sa buong mundo at nahirang noong 2012 sa Travel + Leisure Magazine bilang “best island in the world”. Ito ay matatagpuan sa Aklan.
CHOCOLATE HILLS:

Ang Chocolate Hills ay isa sa maraming magagandang tanawin sa Pilipinas. Mayroong mga 1,776 burol na nakalatag sa ibabaw ng 50 kilometro kuwadrado, lumilikha ng isang kapansin-pansing tanawin.Tapos, napapaligiran ang lugar ng walang katapusang hanay ng mga burol na parang “Hershey’s chocolate kisses” kung saan nakuha ng mga burol ang pangalan nila.
PUERTO PRINCESA:

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park ay idineklarang isang UNESCO World Heritage Site at kabilang sa New Seven Wonders of Nature na. Matatagpuan ito sa Pilipinas, humigit-kumulang 50 kilometro sa hilaga ang layo mula sa siuydad ng Lungsod Puerto Princesa. Ito ay itinuturing na pinakamahabang maaring daanan na underground river sa buong mundo. Ang National Park ay bahagi ng Saint Paul Mountain Range na matatagpuan sa hilagang bahagi ng isla.
MANILA OCEAN PARK:

Ang Manila Ocean Park ay naging paboritong pasyalan ng mga pamilya at mga kabataan upang tuklasin ang makulay na mundo sa ilalim ng dagat at ang iba’t ibang hayop at mga isda na nagpapakita kung gaano kayaman anga ating karagatan. Matatagpuan ito malapit sa Roxas Boulevard (sa likod ng Quirino Grandstand) sa Ermita, Manila.
ENCHANTED KINGDOM:

Kung ikaw ay mahilig sa mga rides, ang magandang puntahan ay Ang Enchanted Kingdom. Maraming iba’t ibang rides dito at siguradong mag eenjoy ka. Ito ay matatagpuan sa Laguna.
HUNDRED ISLAND:

Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan: Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig.Nakakalat sa Golpo Ng Lingayen ang mga pulo at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62 acres). Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon at Children.
RIZAL PARK:

Ang Rizal Park ay iasng makasaysayang lugar sa Pilipinas dahil dito Binaril ang Aming Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Ang dati nitong pangalan ay liwasang rizal at pinalitan ng Rizal Park bilang parangal kay Dr. Jose P. Rizal.
Ilan lamang ito sa magagandang Lugar sa Pilipinas. Marami pang Magagandang Lugar dito sa Pilipinas at siguradong mamamangha ka kung ikaw ay maglalakbay dito.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento