Mga Post

Imahe
Ito ay ilan sa mga magagandang Lugar sa Pilipinas. Una na rito ang: BORACAY: Ang Boracay ay ang pinakasikat na isla sa Pilipinas. Ito ay dinarayo ng madaming mga turista dahil sa kagandahan nitong taglay. Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong ‘White Beach’ na ito ang pinakamagandang baybayin sa buong mundo at nahirang noong 2012 sa Travel + Leisure Magazine bilang “best island in the world”. Ito ay matatagpuan sa Aklan. CHOCOLATE HILLS: Ang Chocolate Hills ay isa sa maraming magagandang tanawin sa Pilipinas. Mayroong mga 1,776 burol na nakalatag sa ibabaw ng 50 kilometro kuwadrado, lumilikha ng isang kapansin-pansing  tanawin.Tapos , napapaligiran ang lugar ng walang katapusang hanay ng mga burol na parang “Hershey’s chocolate kisses” kung saan nakuha ng mga burol ang pangalan nila. PUERTO PRINCESA: Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park ay idineklarang isang UNESCO World Heritage Site at kabilang sa New Seven ...